Saturday, June 1, 2019

Paano Magluto ng Caldereta


Sabaw pa lang ulam na!

Mga Sangkap:
  • 1/2 kilo baka ( hiniwa )
  • 3 butil ng bawang (dinikdik)
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 1 tasa tomato sauce
  • 3 tasa tubig
  • 3 patatas ( hiniwa)
  • 2 karots (hiniwa)
  • 1 lata liver spread (maliit)
  • 1 pula bell pepper (hiniwa)
  • asin panimpla
Paraan ng Pagluluto:
  1. Igisa ang bawang at sibuyas, ilagay ang karne at sangkutsaing maigi hanggang sa mawala ang dugo sa karne.
  2. Ilagay ang tomato sauce at hayaang halos matuyo ang tomato sauce saka ilagay ang tubig. Pakuluan hanggang sa lumambot ang carne. Ang tubig ay pwedeng dagdagan kung ang 3 tasa ay di sapat na mapalambot ang carne, dahil minsan may mga karne na kailangan matagal pakuluan dahil matigas.
  3. Idagdag ang patatas, karots at bell pepper, haluing maigi at hayaang kumulo hanggang sa maluto.
  4. Ilagay ang liver spread at haluing maigi, hayaang kumulo ito ng 2 minuto, timplahan ng asin kung kailangan.
  5. Ihain kasama ng kanin.


Kung gusto nyong iimprove ang lasa sa pamamagitan ng paglagay ng mga powder na panimpla nasa sa inyo na po yon.

2 comments:

  1. Lamiiii 😋😋 sinubukan ko, nagluto ako...do delicious thanks..

    ReplyDelete