Marami akong kakilala ayaw nila ng pusit dahil makunat daw, ang pusit ay hindi makunat kapag marunong kang magluto nito, kaya lang kumukunot dahil naovercooked ito. Subukan mong lutuin ng sakto lang (5-10 minutos), sigurado ako na iyo itong babalik balikan, ang sarap kaya. :-)
Mga Sangkap:
- 1 pirso malaking pusit
- 1 maliit kamatis ( hiniwa)
- dahon ng sibuyas
- asin at paminta na panimpla
- Linisin ang pusit at timplahan ng asin at paminta.
- Ilagay sa loob ng pusit ang kamatis at sibuyas dahon.
- Painitin ang ihawan, kapag mainit na ilagay ang pusit (dapat katamtaman lang ang apoy). Lutuin ang pusit ng 3 minuto at kapag binaligtad ay 3 minuto uli, huwag i-overcooked para di kumunat.
- Kapag luto na ay hiwain at lagyan ng toyo at kalamansi bago ihain.
Ingredients:
- 1 big squid
- 1 tomato (chopped)
- spring onion
- salt and pepper to taste
- Clean the squid and season with salt and pepper.
- Stuff the squid with tomato and spring onion.
- Heat the grill, when it's hot put the squid and cook for 3 minutes over medium heat, then flip it and cook for another 3 minutes.Do not over-cooked, so that it will not be chewy.
- Slice and serve with soy sauce and lime or calamansi.
No comments:
Post a Comment