Wednesday, January 1, 2014
Ginisang Alugbati
Isa sa mga karaniwang gulay sa Pilipinas, ay ang alugbati kaya isa ito sa mga paborito kong gulay na madahon. Masarap ito ilagay sa monggo, igisa kasama ng kalabasa, etc, pero natuklasan ko na masarap din pala sya igisa na may sahog na tuna, kaya ito po ang paraan paano ito lutuin.
Mga Sangkap:
2 tali ng alugbati
1 lata ng tuna flakes in oil
1 sibuyas
asin
Paraan ng Pagluto:
1. Alisin ang dahon ng alugbati sa tangkay at husgasang mabuti, patuluin ang tubig para di masyadong masabaw at wag mawala ang lasa.
2. Igisa ang sibuyas, ilagay ang tuna at asin, pakuluin ng mga ilang minuto.
3. Lakasan ang apoy saka ilagay ang alugbati, haluing maigi hanggang sa maluto.
4. Kung luto na, pwede na itong ihain sa mga mahal sa buhay :-).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment