Thursday, January 2, 2014

Chicken Yakisoba



Ang Yakisoba ay isang uri ng pagkaing Hapones na unang lumitaw sa mga kainan ng Japan noong early 20th century ayon sa aking nabasa, bagamat  ito ay talagang nagmula sa China. Itong aking ginawa ay simple lang pero mas maganda sana kung mayroon itong carrots, nagkataon lang na nang lutuin ko ito wala sa plano, may dumating lang akong mga bisita at ito ang pwede kong maihanda sa kanila kaya kahit walng carrots niluto ko na.

Mga Sangkap:
200 grams soba noodles ( pre cooked) drained and set aside
200 grams chicken breast
2 cups sliced cabbage
1 red bell pepper
1 onion
salt and pepper to taste
3 cloves garlic
3/4 cup water
3 tablesoons soy sauce
1 cup yakisoba sauce
spring onion for garnishing

Paraan ng Pagluto:
1. Igisa ang bawang at sibuyas  pagkatapos ay ilagay ang  hiniwang manok saka sangkutsahin ng mga tatlong minuto.
2. Ilagay ang tubig at soy sauce pakuluing maigi.
3. Ilagay ang mga gulay at kung malambot na saka ihalo ang soba noodles
4. Ilagay ang Yakisoba sauce at haluing maigi, lagyan ng salt and pepper kung kailangan.
5. Ilagay sa plato at lagyan ng hiniwang dahon ng sibuyas saka ihain

No comments:

Post a Comment

Search This Blog