Masuwerte ako ngayon kasi habang naglalakad kami ng dalawa kong kaibigan para bisitahin ang aming kaibigan ay nakatagpo ako ng kalabasa na may talbos at bulaklak sa isang bakanteng lupa, ang saya saya ko dahil sabi ko aba! maluluto ko na ang ginataang kalabasa na may talbos at bulaklak na matagal ko ng gustong lutuin. Ngayon ay narito na at luto na, salamat po sa Dios sa mabuting pagkakataon sa araw na ito.
Mga sangkap:
1/2 kilo kalabasa
1/2 kilo talbos ng kalabasa
1/4 kilo bulaklak ng kalabasa
1/4 kilo hipon
1 sibuyas
luya (kasing laki ng hinlalaki)
tanglad
3 cups ikalawang gata
2 cups unang gata
asin
Kalabasa, talbos at bulaklak |
Paraan ng pagluto:
1. Linisin ang talbos ng kalabasa sa pamamagitan ng pag alis ng makunat na balat at putulin ayon sa iyong nais. Hugasang maigi ang bulaklag at hiwain ang kalabasa.
2. Pagsamasamahin sa lutuan ang ikalawang gata, hipon, luya, sibuyas, tanglad at kalabasa, lutuin sa katamtamang apoy hanggang sa kumulo, haluin paminsan minsan at hintayin hanggang sa malapit ng maluto an kalabasa.
3. Lakasan ang apoy saka ilagay ang talbos ng kalabasa pakuluan ng 5 minuto saka ilagay ang unang gata at bulaklak, lagyan ng asin ayon sa iyong panlasa, pakuluin hanggang sa maluto.
4. Ihain ng may ngiti sa labi :-).
Hm! I like this, I like this! Similar to "pinakbet" but this one is ginataan, yum! :)
ReplyDeleteI love to eat this kind of dish...can you please translate to English so I know the ingredients and learn how to cook it. Thank you.
ReplyDeleteIf it is ok with you can you email me here mely.maravilla@gmail.com or mely1975_1996@yahoo.com
Deleteso that I can email you the translation. Thank you.
Simple at madali ang resipe at masarap sa kanin.
ReplyDelete